France
HALINA'T TALAKAYIN NATIN ANG BANSANG FRANCE.
-AngFrance o French Republic
ay isang malayang bansa sa Kanluran ng Europe. Ang Franceay pangatlo sa pinakamalaking bansa sa Kanlurang Europe at European Union. Ang kapitolyong France ay ang Paris, ang pinakamalaking lungsod ng bansa at sentro ng kultura atkomersyo. Katulad ng iba pang bansa sa Mediterranean, mayaman sa panitikan ang France.Ang panitikang ito ang nagsisilbing kanlungan ng kanilang mga sinaunang kaugalian tradisyon,at kultura sa kabuuan.
SINING NG FRANCE
-Ang Sining ng France ay nasa lahat ng sulok ng France-lalo na sa Paris at iba pang pangunahing lungsod at ang impluwensiyang Gothic, Romanesque Rococo at Neoclassic ay makikita sa maraming simbahan at iba panh pampublikong gusali. Marami sa mga kilalang artist ng kasaysaya, kabilang ang Espanyol na si Pablo Picasso at Dutch-born Vincent van Gogh ay naghanap ng inspirasyon sa Paris at sila rin ang nagpasimuno ng impressionism movement.
Ang Louvre Museum sa Paris ay ilan sa pinakamalalaking museum at ang tahanan ng maraming kilalang gawa ng sining, kasama na ang Mona Lisa at Venus de Milo.
HALIMBAWA NG NOBELA SA FRANCE
"ANG KUBA NG NOTRE DAME"
-“Ang Kuba sa Notre Dame” ang nobelang isinulat ni Victor Hugo,ito ay isang halimbawa ng nobelang akda mula sa France(isang panitikang mediterrenean).Ang pamagat ay tumutukoy sa Katidral ng Notre Dame sa Paris kung saan ang kwento ay nakasentro.Ito ay isinalin sa Filipino ni Willita A. Enjiro.Ang nobelang ito ay naiiba mula sa iba pang uri ng akdang pampanitikan sa pagkilala sa kultura at kaugalian ng isang bansa.Makikita mo bilang isang mambabasa ang magandang mukha ng France sakanilang panitikan mula sa akdang ito.Ito ay tungkol sa isang kubang nagngangalang Quasimodo-ang kuba ng Notre Dame na itinanghal bilang “Papa ng Kyahangalan” dahil sa kanyang taglay na kapangitan.
KASUOTAN SA FRANCE
-Ang mga tao sa France ay kilala sa mga kasuotang mariringal na pananamit. Halos lahat sa kanila pagdating sa damit ay disente at sumusunod sa uso , ngunit hindi over-decorated ang damit. Ang kadalasang pananamit nila ay mahahabang amerikana, terno, mga bandana , berets o bilog at malalambot na sombrero.
LUGAR SA FRANCE
- "Eiffel Tower" ito ang isa sa pinakagustong attraction sa Paris , ito ang isa sa pinakabinibisita dito sa mahigit 200,000,000 million na tao ang nakapunta dito magsimula ng maitayo ito.
Comments
Post a Comment